Thursday, January 15, 2026

Online love scam na ginagamit ang pangalan ng Bureau of Immigration, ibinabala

Nagbabala sa publiko ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga online love scam na gumagamit ng pangalan at iba pang opisyal nito para linlangin ang mga biktima.

Ang babala ay kasunod ng ulat mula sa isang babae na nakatanggap ng e-mail na umano’y mula sa opisyal ng immigration, na nagsasabing isang parcel mula sa kanyang foreign boyfriend ang naharang ng ahensiya BI under the Ministry of Interior at kailangan bayaran para mailabas.

Sinabi ng BI na peke ang e-mail at hindi ito tumatakbo sa ilalim ng “Ministry of Interior,” kung saan hindi nag-iintercept ng parcels at hindi nangongolekta ng bayad para sa mga padala.

Inendorso ng ahensya ang kaso sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division para sa imbestigasyon.

Pinayuhan ang publiko na beripikahin ang mga kahina-hinalang mensahe sa kaukulang ahensya at huwag magpadala ng pera o personal na impormasyon sa mga hindi kakilala.

Facebook Comments