Online mass, itutuloy pa rin kahit nasa GCQ na ang Metro Manila

Magsasagawa pa rin ng online mass ang mga Simbahang Katoliko sa bansa.

Ito ay kahit niluwagan na ng Metro Manila Mayors sa 50% ang pagsasagawa ng religious gatherings sa Metro Manila kasabay ng pagbaba nito sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions.

Ayon kay Father Jerome Secillano, Executive Secretary of the Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, hindi lamang dahil sa pandemya kung bakit idinaan sa online ang pagsasagawa ng religious gatherings.


Kailangan din kasi aniya ito para sa mga matatanda at may mga comorbidities na hirap at hindi pinapayagang makalabas ng bahay na siyang madalas magtungo sa mga simbahan.

Sa ngayon, maliban sa pagpapatupad ng health protocols sinabi rin ni Secillano na magpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng contact tracing at food bath sa mga simbahan.

Facebook Comments