Ibabalik muna muli sa online ang misa sa mga simbahan ng Metro Manila simula ngayong Linggo.
Ito’y dahil sa muling pagpapatupad ng mahigpit na quarantine restriction sa National Capital Region (NCR).
Nabatid na tatlong linggong walang physical masses, kasal at binyag sa mga simbahan batay sa anunsyo ng Archdiocese of Manila dahil isasailalim sa GCQ with heightened restrictions ang Metro Manila hanggang August 5.
Kasunod nito ay isasailalim naman sa ECQ mula August 6 hanggang August 20 ang Metro Manila.
Kaya’t dahil dito, hinihikayat ng Archdiocese of Manila ang publiko na makinig at manood na lamang online, telebisyon at radyo ang mga nais manampalataya.
Paalala naman ni Cardinal Jose Advincula sa lahat na sumunod sa guidelines ng health protocol para maiwasan sa kumakalat ang mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 at magpabakuna upang may panlaban sa virus.