Online na pagpaparehistro ng sasakyan, inaasahang magsisimula sa buwan ng Pebrero ayon sa LTO

Ginagawan na ng paraan ng Land Transportation Office (LTO) ang mas modernong pagpaparehistro ng sasakyan upang makatulong sa laban sa COVID-19

Pagsapit ng buwan ng Pebrero, inaasahan na konti na lang ang tao sa tanggapan ng LTO dahil online na ang kanilang transaksyon na makakatulong sa social distancing.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, maaaring bisitahin ang portal.lto.gov.ph upang makapag-download ng dokumento at makapagbayad online.


Ang online service ng LTO ay ginagamit na sa dalawampu’t apat (24) na pilot sites na kinabibilangan ng ; Quezon City, Eastwood, San Fernando, Angeles, Cabuya, Davao, Lipa, Baguio, Tagu, Naga, General Santos, Calapan, Ormoc, Roxas, Laoag, Dumaguete, Tagbilaran, Butuan, Bayombong, Malaybalay, Pagadian, Ever Gotesco DLRO (Driver’s License Renewal Office) at Muntinlupa.

Facebook Comments