Pinag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad ng pagsasagawa ng online overseas voters’ registration process para hikayatin ang mga Pilipino abroad na magparehistro.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) para dito upang hindi na kailangang magtungo ng mga aplikante sa mga embahada at konsulada para magparehistro lalo na at mayroong biometrics ang kanilang pasaporte.
Irerekomenda rin ni Guanzon sa en banc na palawigin ang registration hours sa local COMELEC offices para tumanggap ng marami pang aplikante.
Facebook Comments