Online passport appointment ng DFA, hindi maa-access hanggang Dec. 27

Manila, Philippines – Hindi muna maa-access ng publiko ang website ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa online passport appointment system.

Kasalukuyan kasi itong sumasailalim sa maintenance na routine na ng kanilang server.

Kahapon, December 23 nang magsimula ang maintenance at tatagal ito hanggang umaga ng Huwebes, December 27.


Kaya pagsapit ng alas 12:00 ng tanghali sa Huwebes, magbubukas muli ang DFA ng mga bagong appointment slot.

Facebook Comments