Online petition na nananawagan sa pagsibak kay PCO Asec. Mocha Uson, muling kumalat

Manila, Philippines – Muling kumalat sa social media ang isang online petition na nananawagan sa pagsibak kay Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson.

Sa petisyon ng change.org, umapela si Kremlin pandaan sa mga netizen ng 50,000 lagda para sa pagpapatalsik kay Uson.

Nakasaad din sa petisyon na ipapadal nila ito kay Pangulong Duterte at kay PCO Secretary Martin Andanar, oras na makumpleto ang target nilang lagda.


Iginiit ni Pandaan, maka-ilang beses ng naghatid ng mga pekeng balita si Uson kahit noon pang nangangampanya para sa pagka-Pangulo si Duterte.

Facebook Comments