Manila, Philippines – Kumakalap ng pirma ang Child’s Right Network at Philippine Action for Youth Offenders para sa isang online petition na layong iapela sa Kongreso na ibasura ang panukalang batas na nagpapababa sa criminal responsibility mula 15-anyos pababa sa 9-anyos.
Sa mga oras na ito pumalo na sa 29,600 ang mga nakalap nilang lagda kung saan target nilang makakuha ng 35,000 na pirma bago ipasa sa Kongreso ang nasabing petisyon.
Base sa petisyon ng Change.org hindi solusyon sa krimen ang pagpapababa sa criminal responsibility.
Paliwanag pa ng grupo, umiiral naman ang Juvenile Justice Law kung kaya at hindi na kailangan pa ng panibagong batas bagkus marapat lamang itong mahigpit na ipatupad.
Base pa sa pag-aaral ng grupo hindi magreresulta sa pagpapababa ng krimen ang isinusulong na panukalang batas at hindi rin anila ito magiging deterrent sa mga sindikato sa paggamit sa mga bata kapag ito ay naipatupad na.