Online platform, ipinag-utos ni PBBM sa Task Force El Niño

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Task Force El Niño na bumuo ng online platform.

Ito’y bilang bahagi ng pinaigting na hakbang laban sa posibleng epekto ng El Niño.

Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Marcos Jr., ang Task Force El Niño na makipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para bumuo ng online platform na magsisilbing centralized database.


Ito’y para sa makukuhang datos at impormasyon may kaugnayan sa El Niño.

Magsisilbi rin itong suporta para sa magiging desisyon ng gobyerno.

Ito rin ang magiging daan para maipaabot sa publiko ang mga hakbang o dapat gawin sa panahon ng El Niño.

Base rin sa Executive Order No. 53, binibigyan ng awtoridad ang Task Force El Niño na humingi ng tulong sa ibang tanggapan o ahensya ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng kanilang mga programa, tungkulin at mga plano.

Facebook Comments