Online portal, ilulunsad ng Makati government para sa pagkuha ng vaccine certificate

Ilulunsad ngayong linggo ng lokal na pamahalaan ng Makati ang isang online portal upang mapadali ang verification at pagkuha ng vaccine certificate ng mga fully vaccinated na Makatizen.

Pinadali ng Makati ang pagkuha ng vaccine certificate sa gitna na rin ng usapin tungkol sa polisiya sa paggamit ng vaccine card sa interzonal travel.

Ayon kay Makati Mayor Abigail Binay, ilulunsad ngayong Linggo ang online portal kung saan downloadable na ang certificate ng mga byaherong taga-Makati na mangangailangan nito.


Sa oras na ma-i-launch ang portal ay ilalagay lamang ang pangalan dito at makikita na agad kung fully vaccinated na ang isang tao.

Bukod dito, kahit sino ay pwede ring i-check ang pangalan para malaman kung fully-vaccinated na.

Facebook Comments