Online processing ng sickness benefit reimbursement applications, sisimulan na ng SSS

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na maaari nang mag-fill out ang mga employer ng kanilang Social Security Sickness Benefit Reimbursement Applications (SBRAs) online.

Ayon sa SSS, maaari nang maghain ang mga employers ng kanilang sickness benefit reimbursement claims sa pamamagitan ng kanilang website, www.sss.gov.ph

Kailangang nakarehistro ang employer sa My.SSS account at naka-enroll sa SSS Sickness and Maternity Benefit Payment Thru-the-Band Program, na mayroong registered bank account sa My.SSS portal.


Mayroon din dapat SSS-approved sickness notification mula sa kanilang employees na entitled sa sickness benefit.

Bukod dito, importante ring mayroong certification na ang sickness benefit ay “paid in advance” sa kanilang employees at consistent sa approved sickness notification.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, pinabilis na nila ang pagpoproseso ng sickness benefit reimbursement sa pamamagitan ng pagtatanggal ng transmission ng claims mula SSS branches patungong processing centers.

Layunin ng online facility ay layong mabawasan ang face-to-face interactions sa kanilang mga branch.

Facebook Comments