Online registration ng mga negosyo, tumaas ngayong quarantine period – DTI

Dumami ang bilang ng mga negosyo ang nagpaparehistro ng kanilang pangalan sa pamamagitan ng online platform ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong community quarantine period.

Sa pagdinig ng Senate Committees on Trade, Commerce and Entrepreneurship at Ways and Means sa panukalang Internet Transactions Act, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na nasa 1,753 businesses ang gumamit ng online process ng ahensya mula Enero 1 hanggang Marso 15, pero bigla itong tumaas sa mga sumunod na buwan.

Mula March 16 hanggang August 31 ay nakapagtala ang DTI ng 73,276 na nagparehistro sa kanilang online platform o katumbas ng 4,000% increase.


Dagdag pa ni Lopez, nagsasagawa na rin ng digitalization ang iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak na ang lahat ng hakbang ng business registration ay hindi na kailangan ng physical appearance.

Kaugnay nito, dumami rin ang consumer complaints kaugnay sa online transactions mula sa 2,457 noong 2019 sa 12,630 ngayong taon mula nitong August 31.

Sa ilalim ng Internet Transactions Act, layon nitong matiyak ang ligtas na e-commerce environment sa Pilipinas.

Facebook Comments