Online registration ng San Juan LGU para mga batang nais magpabakuna kontra COVID-19, binuksan na ngayong araw

Simula ngayong araw ang online registration para sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos na nais magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito ang inanunsyo ngayong umaga ng Pamahalaang lungsod ng San Juan.

Batay sa kanilang anunsyo, ito ay para lang muna sa mga batang residente at nag-aaral dito sa Lungsod ng San Juan.


Upang makapag-parehistro, maaaring i-scan ang QR Code at sagutan ang form o i-click ang link na makikita sa official Facebook account ng San Juan City Government.

Antayin ang text mula sa “SanJuanCity” 1 o 2 araw bago ang pagbabakuna para sa schedule at venue.

Isang parent o guardian ang papayagan kasama ng bata sa bakunahan.

Facebook Comments