Online registration para COVID-19 vaccination program ng Taguig, muling nagbukas

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Taguig na muling nagbukas ang kanilang online registration para sa vaccination program kontra COVID-19.

Batay sa abiso ng pamahalaang lungsod, maaari nang magparehistro online para magkaroon ng schedule ng vaccination ang mga residenteng may edad 12 pataas.

Mag-log in sa trace.taguig.gov.ph para makakuha ng vaccination appointment at pwede rin sa Taguig TRACE kiosks na nasa mga barangay hall ng lungsod para sa mga walang access sa internet.


Makikita ang mga anunsyo at update kaugnay sa bakunahan kontra COVID-19 ng lungsod sa kanilang ng official Facebook account.

Matatandaang target ng pamahalaang lungsod ang zero COVID-19 cases sa mga darating na panahon.

Facebook Comments