Online registration para sa vaccination roll-out sa Valenzuela, binuksan na

837
Photo Courtesy: Valenzuela Government and Mayor REX Gatchalian Facebook Page

Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang registration para sa Valenzuela City COVID-19 Vaccines Rollout Plan o VCVax.

Pinayuhan ang mga residente ng lungsod na magparehistro na para sa COVID-19 vaccination program ng local government sa pamamagitan ng pag-log in sa valtrace.appcase.net.


Dito ay iki-click ang “vaccination registration” button kung saan sasagutan ang form at magsusumite rin ng anumang government issued ID.

Paalala naman ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa mga constituents, ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code.

Pinayuhan naman ang mga residente na kumuha muna ng ValTrace account bago magpa-register sa rollout ng vaccination sa lungsod.

Dagdag pa nito, tanging ang mga 18 taong gulang lamang pataas ang mababakunahan ng COVID-19 vaccine.




Facebook Comments