Online registration sa LTO, tinutulak ng ilang grupo

Manila, Philippines – Sinusulong ng Filipino Alliance for Transparency and Empowerment ang online registration sa Land Transportation Office para matigil na o mabawasan ang kurapsyon sa nasabing ahensya.

Kung matatandaan galit at pinag-initan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang LTO dahil sa talamak kurapsyon at pag papasakit taong bayan dahil sa bagal ng proseso.

Ayon sa kay Jo Perez taga pag salita ng FATE, dahil sa manual registration hindi parin nawawala ang mga fixers, payola, pangungutong at tila pananadya sa mabagal na proseso sa LTO para magatasan ang mga drivers at unit owners.


Base sa datus na nakalap ng grupo 4 na bilyong piso ang nawawala sa kita ng mga driver kada taon dahil sa pag liban sa kanilang trabaho matapos pumila sa opisina ng LTO at pinababalik pa sa mga susunod na araw.

Bukod sa hindi na kumita, nagagatasan pa sila ng mga opisyal , fixers maging guwardya ng LTO, base na rin sa kwento ng isang whistleblower na lalaki na hindi nag bigay ng pangalan.

DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments