Online renewal ng drivers license, available na online —LTO

Hindi na kailangang pumila sa Land Transportation Office (LTO) offices o gumastos sa pamasahe dahil maaari nang mag-renew ng drivers license online gamit ang eGovPH App.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, layon ng bagong sistema na gawing mabilis, magaan, at abot-kamay ang proseso ng renewal kahit nasa bahay o opisina ang kliyente.

Kailangan lamang i-download ang eGovPH app sa App Store o Google Play, sumailalim sa security verification, at sundin ang mga hakbang para sa online renewal.

Bago makapag-transaksyon, kailangang kumpletuhin muna ng aplikante ang mga Telemedicine medical examination sa pamamagitan ng LTO– Online Drivers License Renewal System portal, at Online Drivers Enhancement Program (ODEP) na may limang oras na online lecture.

Kasunod nito maaari ng bayaran ang renewal fee gamit ang napiling payment gateway. Ang bagong Electronic Drivers License ay agad makikita sa app at may bisa tulad ng physical card. Maaari ring pumili kung ipadadala ito sa bahay o personal na kukunin sa pinakamalapit na LTO district office.

Facebook Comments