Online sabong at iba pang int’l amusement events, isasailalim sa kontrol ng GAB

Manila, Philippines – Inaasahang maaprubahan na sa pinal na pagbasa ang panukala na nagpapalawak sa superbisyon ng Games and Amusement Board (GAB) para sa lahat ng international amusement events at online cockfight betting o online sabong.

Sa ilalim ng panukala, pinapalawig nito ang kapangyarihan ng GAB para sa pagpapatupad ng batas kaugnay sa professional sports lalo na ang mga gumagamit ng betting system o sistema ng pagtaya gamit ang makabagong teknolohiya.

Binibigyang mandato ang GAB na i-regulate ang pagdami ng online sabong na may betting system gayundin ang pagtatakda ng rules at regulations na ipapatupad sa lahat ng sabungan sa buong bansa.


Nagpasalamat naman si GAB head at dating Congressman Abraham Kahlil Mitra sa pagpapalawak ng kanilang kapangyarihan lalo pa at lumalaganap na ang online cockfighting sa bansa.

Ilan pa sa isinusulong sa orihinal na panukala ay ang pagsasailalim sa international beauty pageants, concerts, at maintenance ng mga theme parks sa pamamahala ng Games and Amusement Board (GAB).

Facebook Comments