ONLINE SCAM | Publiko, pinag-iingat ng PNP ngayong kapaskuhan

Manila, Philippines – Dapat na mag doble ingat ang publiko lalo na ang mga mahilig mamili sa online stores sa mga online scammer ngayong kapaskuhan.

Sa ulat ng Philippine National Police, maraming nananamantala ngayong panahon ng kapaskuhan lalot dumarami ang namimili ng pang regalo, damit o anumang kagamitan sa internet.

Base sa datos ng PNP Anti Cyber Crime Group, mula buwan ng Enero hanggang Nobyembre ng taong 2018, umakyat na sa mahigit 900 kaso ang online scam.


Sunod na pinakamarami ay ang online libel o paninirang puri gamit ang internet.

Payo ng PNP ACG, siguruhing lehitimo ang website na binubuksan para mamili.

Facebook Comments