Online scams, domoble ngayong taon ayon sa PNP

Nagbalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa online scams lalo’t papalapit ang Pasko.

Ayon kay PNP Cybercrime Group spokesman Police Maj. Joseph Villaran, dumoble ang mga reklamo hinggil sa online scams ngayong taon kumpara noon 2019.

Aniya, bunsod ito ng mas marami ang nakikipag-transaksyon online sa gitna ng quarantine restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.


Payo naman ng National Bureau of Investigation, bumili ng produkto at serbisyo sa mga lehitimong platform.

Facebook Comments