Online Scholarship Application ng CHED-Region 2, Kinakailangan para makaiwas sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Pinapayuhan ng Commission on Higher Education (CHED-RO2) ang lahat ng mga mag aaral para sa scholarship application na maaaring magsumite ng mga dokumento sa online portal ng ahensya para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Ito ay sa kabila pa rin ng pagdagsa ng mga mag aaral lalo na ang mga 1st year College sa nasabing tanggapan dahil sa nasabing aplikasyon.

Ayon kay Atty. Roderick Iquin, tagapagsalita ng CHED-RO2, hinihikayat naman ang lahat ng mga kumpanya na may mga On-the-Job-Trainee (OJT) na kung maari ay gawing flexible ang mga trabaho ng mga ito para makaiwas sa banta ng nakamamatay na sakit.


Pag-aaralan naman ng ahensya kung posibleng ipasa ng mga unibersidad ang kanilang mga mag aaral upang tuluyan ng hindi pumasok sa mga paaralan at makaiwas sa posibleng pagkalat ng COVID-19.

Narito naman ang online portal site ng ahensya ched.gov.ph/stufaps/ <l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fched.gov.ph%2Fstufaps%2F> o chedro2.com/stufaps/Controller_application para tugunan ang aplikasyon ng mga mag aaral.

Facebook Comments