
Nadakip ng mga operatiba ng Manila District Anti-Cybercrime Team ang isang 21-anyos na lalaki na kinilalang si alyas “Dencio” sa ikinasang entrapment operation nitong June 23, 2025 sa Malate, Maynila.
Nahuli sa aktong nagbebenta online si “Dencio” ng ATM card na ginagamit sa ilegal na bentahan ng financial accounts.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Kasunod nito, pinayuhan ni PNP Anti-Cybercrime Group acting director BGen. Bernard Yang ang publiko na umiwas sa ganitong ilegal na gawain at agad na isumbong sa pinakamalapit na opisina ng ACG ang anumang kahina-hinalang online na transaksyon.
Facebook Comments









