
Arestado ang isang 24-anyos na lalaki na kinilalang si alias “Binoy” matapos mahuli sa entrapment operation ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) nitong September 3.
Batay sa imbestigasyon, natuklasan ng Cyber Response Unit sa kanilang cyber patrolling ang Facebook post ni “Binoy” na nag-aalok ng baril sa halagang ₱25,000.
Kalaunan, pumayag ang suspek na ibenta ito sa halagang ₱20,000 at makipagkita para sa bentahan.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang 9mm pistol, dalawang magasin, at 12 bala na isusumite bilang ebidensya sa korte.
Nahaharap si “Binoy” sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Facebook Comments









