Online seller ng iligal na paputok, naaresto sa Maynila

Arestado ng Philippine National Police (PNP) ang isang online seller ng iligal na paputok sa entrapment operation na ikinasa kahapon sa Sta. Mesa, Manila.

Kinilala ni PNP Public Information Office Chief Col. Redrico Maranan ang suspek na si David Michael Carpio, 24-anyos.

Sa entrapment operation na isinagawa ng mga tauhan ng Cyber Research Unit, Manila District Anti-Cybercrime Team at Explosive Management Division ng Firearms Explosives Office, nakumpiska sa suspek ang 200 piraso ng oversized 5-star King Kong fire crackers.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-Anti Cybercrime Group at nahaharap sa paglabag sa RA 7183 o An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.

Facebook Comments