ONLINE SELLER, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA CAUAYAN CITY

Cauayan City – Arestado ang isang 30-anyos na babae sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay Pinoma, Cauayan City, nitong lunes ng gabi, December 22, 2025.

Kinilala ang suspek bilang alyas “Anna”, isang online seller at residente ng nasabing barangay.

Narekober mula sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substance na tinatayang 0.30 gramo at nagkakahalaga ng ₱2,000, buy-bust money, boodle money, isang cellular phone, at iba pang personal na gamit.

Matapos ang imbentaryo, dinala ang suspek sa himpilan ng Cauayan Component City Police Station para sa karagdagang imbestigasyon.

Isinaagawa ang operasyon sa pinagsanib na puwersa ng City Drug Enforcement Unit ng Cauayan City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit ng Isabela Police Provincial Office, aat Philippine Drug Enforcement Agency Region 2.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments