ONLINE SELLING | IT specialist na nagbebenta ng hybrid marijuana, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang isang IT specialist na online nagbebenta ng iligal na droga.

Naaresto ng Sta. Ana, Maynila Police ang 26 anyos na si alyas Allan matapos ituro ng ilang menor de edad na nahuli sa entrapment operation.

Ayon kay Supt. Olivia Sagaysay ng Sta.Ana Police, ang mga menor de edad na ito ang ginagamit na drug courier o taga-deliver ng hybrid flavored marijuana ng suspek.


Depensa ng suspek, maganda ang kaniyang intensyon sa pagbebenta ng marijuana.

Paliwanag ni Sagaysay, kahit na may mga argumento nagsasabing nakakagaling ng iba’t ibang sakit ang marijuana, hindi naman legal ang pagbebenta nito sa Pilipinas.

Sa impormasyon ng Sta. Ana Police, may contact na smuggler ang IT specialist na taga-deliver ng hybrid marijuana galing America.

Isa na nga rito ang nahuli ng Bureau of Customs na nagbebenta sa mga kliyente na referred ng kanilang grupo sa isang social networking site.

Facebook Comments