Online selling ng COVID-19 test kits, bawal – FDA

Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na ipinagbabawal ang pagbebenta online ng COVID-19 test kits.

Ayon sa FDA, ang COVID-19 test kits na may FDA special certification ay para lamang sa medical professional use at hindi pwede sa personal use.

Sakop nito ang RT-PCR, antibody at antigen based kits.


Mandato ng FDA na protektahan nag kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pag-regulate sa manufacture, importation, distribution, sale, advertisement, at promotion ng health products kabilang ang in-vitro diagnostic medical devices sa bansa.

Inatasan na ni FDA Director General Eric Domingo ang lahat ng kanilang regional field offices at regulatory enforcement units na magsagawa ng monitoring sa online platforms.

Facebook Comments