Online selling platforms, sinulatan ng DOTr kaugnay ng mga hindi awtorisadong pagbebenta ng beep cards ng ilang sellers

Pinadalhan ng sulat ng Department of Transportation (DOTr) ang online selling platforms.

Partikular ang Carousell, Lazada, Meta Phillippines, Shopee, at TikTok, para i-take down ang mga unauthorized sellers ng Beep cards.

Binigyan sila ng DOTr ng hanggang sa katapusan ng Agosto.

Una nang nagbabala si Transportation Secretary Vince Dizon sa online selling platforms na maaari silang kasuhan ng gobyerno kung hindi sila gagawa ng aksyon laban sa mga iligal na aktibidad online.

Facebook Comments