Posibleng i-regulate ng gobyerno at patawan na rin ng buwis ang mga online selling portals sa bansa.
Ayon kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, magiging malaking problema sa hinaharap kung ang mga traditional merchants na nagbabayad ng buwis ay lilipat sa online selling na karamihan ay hindi nagbabayad ng tax.
Paglilinaw ni Nograles, hindi siya tutol sa online selling ngunit dapat ay nare-regulate ito ng gobyerno lalo na sa pagpapataw ng buwis sa mga produktong ibinebenta online.
Kung pababayaan ito ay mauuwi ito sa pagbagsak ng tax base ng bansa.
Dahil dito maghahain si Nograles ng resolusyon para siyasatin kung nababayad ng tamang buwis ang mga online merchants.
Aalamin din sa imbestigasyon kung ano ang mga hakbang ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Public Standards (BPS) para matiyak ang quality at safety ng mga produktong ibinebenta online.