Online sexual abuse sa mga kabataan, patuloy na tumataas – DOJ

Nababahala si Pangulong Bongbong Marcos sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Online Child Sexual Abuse and Exploitation (OSAEC).

Sa Malacañang press briefing, sinabi Justice Spokesperson Asec. Mico Clavano, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) na paigtingin pa ang crackdown laban sa OSAEC at sa Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM).

Pinababalangkas naman ng mga ordinansa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para magabayan ang mga LGUs para dito.


Ayon naman kay Atty. Margarita Magsaysay, Executive Director, DOJ Center for Anti-Online Child Sexual Abuse, mas nagiging accessible na raw ang ganitong mga gawain lalo na sa mga nakatatandang kalalakihan mula sa mga English-speaking countries.

Mayroon na raw kasing mga kumakagat sa halagang P200-P300 kapalit lang ng mga malalaswang larawan ng mga kabataan.

Dahil dito, iniutos ng pangulo sa ilang ahensya ng pamahalaan na tugusin at panagutin ang mga sangkot sa child sexual abuse.

Facebook Comments