Online sexual exploitation sa bansa, tumaas ng higit 200% noong panahon ng ECQ

Tumaas ng 264.63% ang naitalang internet-related sexual exploitation ng Department ofJustice-Office of Cybercrime (DOJ-OOC) sa panahon na umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon sa DOJ-OOC, nakatanggap ang ahensya ng kabuuang 202,605 CyberTypline Reports (CTR) ukol sa online sexual exploitation mula March 1 hanggang May 24, 2020.

Mas mataas ito kumpara sa 76,561 CTR na naitala sa kaparehong panahon noong 2019.


Tinitingnang dahilan dito ng DOJ ang mahigpit na pagpapairal ng home quarantine nitong panahon ng ECQ at ang mataas na internet usage ng mga tao.

Umaasa naman ang DOJ na makikiisa ang mga internet providers sa batas na nag-uutos sa mga ito na maglagay ng teknolohiya na sasala sa mga materyal na nang-aabuso sa mga kabataan.

Facebook Comments