Online simbang gabi, iminungkahi ng CBCP sa mga lugar na dadaanan ng Bagyong Odette

Pinayuhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magdaos na lamang ng online simbang gabi ang mga simbahan na maaapektuhan ng Bagyong Odette.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP public affairs committee, maiging gawin ang online simbang gabi lalo na kung delikado ang sitwasyon ng dahil sa bagyo.

Mas mainam din na huwag na munang ituloy ang aktwal na misa upang maging ligtas ang publiko.


Aniya, maaari namang ipagpatuloy ang aktwal na misa kapag wala ng bagyo kaya’t iminumungkahi nila na paghandaan na lamang muna ang mga online simbang gabi.

Bukas, December 16 ay sisimulan na ang siyam na araw ng simbang gabi kung saan magkakaroon naman ng anticipated mass mamayang gabi para makadalo ang hindi nakakapagsimba kinabukasan.

Facebook Comments