Online Sports tampok ang mga YouTubers, sinisilip ng PAGCOR

Sinisilip na ng Philippine Amusement and Gaming Coporation (PAGCOR) ang online sports betting tampok ang mga social media influencers.

Ayon kay Deputy Speaker Bievenido Abante Jr., hango ito sa sumisikat na ‘Battle of the Youtubers’ na ginaganap kada linggo.

Magrerehistro lamang ang mga nais tumaya gamit ang cellphone kung saan ang pinakamababang taya ay P100.


Magpapasiklaban ang mga naturang social media influencers sa pamamagitan ng live basketball o kaya naman ay boksing.

Ngunit pag-amin ni PAGCOR Chairperson Andrea Domingo na kay Abante niya lamang nalaman ang ganitong kalakaran kung saan hindi nag-iisyu ng lisensya ang tanggapan sa mga ganitong aktibidad.

Samantala, kinumpirma ni Domingo na tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawal sa pagpasok ng bagong casino sa bansa.

Ito ay matapos i-anunsyo ng pangulo na papayagan na niyang magpatayo ng mga casino sa Boracay Island dahil nauubusan na ng pondo ang bansa.

Facebook Comments