Online system ng DMW, pansamantalang naka-shutdown matapos ang ransomware attack

Pansamantalang offline ngayon ang system ng Department of Migrant Workers (DMW) matapos ang nangyaring ransomware attack.

Ayon sa DMW, kailangan nilang magpatupad ng pansamantalang shutdown para maprotektahan ang records ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Tiniyak naman ng DMW na ang kanilang databases na may OFW data ay hindi naapektuhan ng ransomware attack.


Sa ngayon, hindi muna ginagamit ang electronic online systems ng DMW na kinalaman sa pag-iisyu OECs/OFW Passes at OFW information sheets gayundin ang iba pang online services.

Pinapayuhan naman ng ang OFWS na may transaksyon sa departamento na personal na lamang na magtungo sa nasabing tanggapan.

Patuloy naman ang pagsasaayos ngayon para maibalik agad ang online systems ng DMW.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa Bureau of Immigration (BI) at sa airport authorities para walang maging aberya sa departure ng OFWs.

Facebook Comments