Online system ng PhilHealth, ma-a-access na ulit ng publiko

Maa-access na ulit ng publiko ang website at member portal ng Philippine Health Insurance Corporations (PhilHealth).

Alas dose ng tanghali kahapon nang maibalik ang application system ng PhilHealth matapos na atakihin ng Medusa ransomware noong September 22.

Nanghingi ng mahigit 17-million pesos na ransom ang mga hacker kapalit ng hindi paglalabas ng mga datos na ninakaw nito mula sa database ng PhilHealth.


Nanindigan naman ang ahensya na hindi ito magbabayad ng ransom.

Una na ring tiniyak ng PhilHealth na walang mga personal na impormasyon ng mga miyembro nito ang nakompromiso sa nangyaring hacking incident.

Facebook Comments