Online Teacher at Barangay Health Worker, Huli sa Pagtutulak ng Droga

1103

Cauaan City, Isabela- Timbog ang isang online English teacher at kaibigan nito na isang barangay health worker pasado 11:30 ng umaga kahapon sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Rizal, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Julius Ceasar Andres, 33-anyos at Ferdinand Tueres, 35-anyos na kapwa residente ng nasabing barangay.

Tumitimbang naman ng 0.70 grams ang nakumpiskang shabu na may market value na P4,670.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art. 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments