ONLINE TOURIST REGISTRATION AT PAYMENT, ILULUNSAD SA HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK

Pormal nang inilunsad ang online tourist registration at payment collection system sa Hundred Islands National Park matapos ang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa programang Hundred Islands National Park iPass.

Sa ilalim ng kasunduan, makikipagtulungan ang pamunuan ng lugar sa isang tech company na nakatuon sa digital payments sa pagpapadali ng access sa mga serbisyo.

Layunin ng iPass system na gawing mas mabilis, ligtas, at mas maginhawa ang pagrehistro at pagbabayad ng mga turista.

Matatandaang bukod sa turismo, ang naturang kompanya ay nakapagbigay din ng tulong sa lungsod noong panahon ng recovery efforts matapos ang bagyo, bilang bahagi ng kanilang pakikilahok sa komunidad gamit ang digital solutions at suporta.

Dagdag dito, ang hakbang na ito ay bahagi ng paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapabuti ang serbisyo publiko at mas mapadali ang karanasan ng mga bumibisita sa Hundred Islands National Park.

Inaasahang makatutulong ang bagong sistema sa mas maayos na pamamahala ng mga turista at sa patuloy na pagpapaunlad ng turismo sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments