Online trolls, hindi dapat pinapatulan pero dapat i-block – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat pinapatulan ang mga social media trolls at dapat bina-block na lamang ang mga ito.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Robredo na marami pa ring ang abala sa ‘trolling’ habang ang Office of the Vice President ay puspusang naghahatid ng tulong sa mga komunidad na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Para sa Bise Presidente, mas mainam na i-block na lamang ang mga ito.


Kasabay nito, inanunsyo ni Robredo na aabot sa ₱5 million ang natanggap ng “Kaya Natin” kung saan aabot na ang kabuuang donasyon sa 55 million pesos.

Ayon kay Robredo, mas maraming komunidad ang matutulungan sa pamamagitan ng bayanihan.

Ang mga online trolls ay mga indibidwal na gumagamit ng online account para banatan o batikusin ang isang tao o grupo.

Si VP Robredo ay isa sa mga palaging target ng mga trolls sa social media, lalo na sa mga sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments