Nakatakdang ilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang online visa waiver project bago matapos ang taong ito.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na sa pamamagitan ng online visa waiver project ay mas mabilis nang makakapag-extend ng kanilang visa ang mga banyagang nasa nasa kategoryang short-term tourist.
Sinabi ni Sandoval na ang mga foreigner na mula sa 157 na mga bansa na visa-free ay maaring mapalawig pa ang pananatili sa bansa na gagawin sa simpleng paraan lamang.
Kaya kapag nainlunsad ang proyektong ito, hinikayat ni Sandoval ang mga traveling public na gamitin ang nasabing platform.
Paliwanag ni Sandoval na ang ilulunsad na proyekto ay upang mas makahikayat ng maraming turista sa Pilipinas na makatutulong sa pag-angat pa ng ekonomiya.
Bukod sa proyektong ito, sinabi ni Sandoval na asahan pa ang mga maraming proyekto ng BI para sa modernisasyon ng proseso sa ahensya partikular ang pagpapabilis at pagpapadali ng mga transaksyon para sa online application at online payments.