Online voters’ registration, magagawa na sa iRehistro ng COMELEC

Maaari nang magparehistro ang mga voter applicants para sa May 2022 National at Local Elections sa pamamagitan ng online sa ilalim ng ‘iRehistro’ ng Commission on Elections (COMELEC).

Paalala ng COMELEC sa mga aplikante, kailangan pa rin nilang magtungo sa COMELEC office para sa biometrics o makuhanan ng litrato, fingerprints at pirma para makumpleto ang filing process.

Paglilinaw ng Poll body na ang pag-fill up ng online form ay hindi nangangahulugang awtomatikong registered voter na.


Layunin ng online facility na maiproseso ang application forms.

Ang Election Registration Board (ERB) ay kailangang aprubahan ang application sa scheduled date ng susunod na ERB hearing.

Para mag-fill up ng application forms, magtungo sa https://irehistro.comelec.gov.ph/

Facebook Comments