Online voting para sa overseas Filipinos, sinisilip ng COMELEC at DFA

Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglulunsad ng online voting bilang alternatibong paraan ng pagboto para sa overseas Filipinos.;

Ayon kay DFA Overseas Voting Secretariat Acting Chairman Edgardo Castro, magkakaroon ng mock election sa lahat ng international post ng Philippine Government para masubukan kung maaaring gawin ang online overseas voting para sa mga Pilipinong botante abroad.

Sinabi naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, nagkaroon na dati ng mock elections gamit ang online voting system.


Pero kailangang may nakalatag na security measures.

Iginiit din ni Jimenez na kailangang mayroong batas na pinapayagan ang Comelec na magsagawa ng online overseas voting tuwing may halalan.

Sa ngayon, limitado ang poll body sa pagsasagawa ng testing.

Ang COMELEC at DFA ay nakikipag-usap sa apat na potential suppliers para sa online voting program.

Isinasapinal na ng COMELEC ang schedule para sa mock elections.

Facebook Comments