Ipinaalala ni Archbishop Socrates Villegas ang kahulugan at epekto sa buhay ng mga Katoliko, ng fasting o pag-iwas sa pagkain at abstinence o pag-iwas sa anumang bagay o gawain sa pagdaraos ng Ash Wednesday kahapon, Pebrero 18.
Sa in-upload na mensahe ni Villegas, binigyang-diin niya na ‘Only God can satisfy’ pagdating sa mga bagay o pagkain na iniiwasan ng isang indibidwal, dahil higit pa rito, ang tunay na diwa ng buhay Kristiyano ay ang pagbibigayan at pagtutulungan.
Inihayag din niya na isa lamang sa dalawang araw na kinakailangang mag-ayuno ang Ash Wednesday, na sinusundan ng Good Friday.
Ang Ash Wednesday ang hudyat ng pagsisisimula ng Lenten Season sa kalendaryo ng Simbahang Katolika, kung kailan pinapahiran ng abo mula sa sinunog na nabendisyonang palaspas ang noo ng mga mananampalataya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










