OOBLIGAHIN | Timbangan ng bayan, ipinalalagay sa lahat ng pribado at pampublikong pamilihan sa bansa

Manila, Philippines – Para maprotektahan ang interes ng mga mamimili, inaprubahan na sa House Committee on Trade and Industry ang pagkakaroon ng “Timbangan ng Bayan Center” sa lahat ng pamilihan sa bansa.

Sa House Bill 2957 na inihain ni Pampanga Representative. Gloria Arroyo, inaamyendahan nito ang R.A. 7394 o “Consumer Act of the Philippines”.

Sa oras na maisabatas ay obligado ang lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan na magkaroon ng “Timbangan ng Bayan Center” sa buong bansa.


Sa pamamagitan ng “Timbangan ng Bayan Center” ay may pagkakataon ang isang mamimili na timbangin ang produktong nabili na maaaring gamiting ebidensya laban sa tindero na nagtinda sa kanya na kulang ang timbang.

Ang sinumang na gagalaw at babaguhin ang timbang sa timbangan, magva-vandalize at sisira dito ay mahaharap sa multang P30,000 o pagkakakulong ng hanggang limang taon.

Facebook Comments