Occupancy rate sa Pasay City General Hospital, nasa safe risk rating na lamang

Patuloy sa pagbaba ang occupancy rate sa COVID-19 confirmed ward sa Pasay City General Hospital

Mula sa 65% occupancy rate kahapon, nasa 59% na lamang ang occupancy rate ng nasabing pagamutan para sa covid confirmed ward kung saan ito ay nasa normal/safe risk rating.

Nangangahulugan ito na patuloy na bumababa ang mga nagkakasakit ng COVID-19 sa lungsod.


Kinumpirma rin ng Pasay City General Hospital na may bakante pa silang tatlong COVID ICU beds, at may bakante rin na 10 regular COVID beds.

Nananatili ring bukas ang emergency room ng nasabing pagamutan para sa COVID at non-COVID patients.

Nananatili naman sa isa na lamang ang active COVID case sa hanay ng mga empleyado ng Pasay City General Hospital.

Ang naturang pasyente ay nananatiling may mild symptoms at naka-home quarantine.

Samantala, isa namang residente ng Pasay City ang bagong nasawi sa virus.

Facebook Comments