OOPS! | Imbes na Christmas ball, t-back naisabit bilang dekorasyon

Ireland – Nauwi sa comedy ang seryosong pagdedekorasyon ng mag-lola sa kanilang Christmas tree sa Cork, Ireland.

Ito ay matapos na mapansin ni Alex Bermingham na hindi pala Christmas balls ang isinasabit niya sa puno kundi mga festively-packaged g-strings o panty na t-back!

Kwento ni Alex, nabili raw ng kanyang 72-year old na lola ang g-strings sa malapit na department store sa kanilang lugar.


Sa unang tingin kasi, mapapagkamalan talaga itong Christmas baubles dahil sa matingkad nitong kulay at glittery pa.

Halos maiyak naman sa kakatawa ang kanyang lola na malamang mali ang nabili niya.

Ibinahagi ni Alex ang kwentong ito sa kanyang instagram na agad namang nag-viral.

Facebook Comments