OP, hihirit pa ng P22-B na dagdag pondo para sa ASEAN Summit

Hihirit pa ng karagdagang pondo ang Office of the President (OP) o opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa paghahanda sa hosting ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa 2026.

Bukod pa ito sa inihabol na P5.2 billion na dagdag na pondo ng OP sa ilalim ng 2025 national budget.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, sa kanilang pagtataya ay nasa P22 billion pa ang kakailanganin ng opisina para sa preparasyon sa ASEAN Summit 2026.


Isa sa mga paggagamitan ng pondo ay ang pag-upa sa Philippine International Convention Center (PICC) at iba pang venue sa summit.

Mahalaga aniya ang ASEAN dahil bahagi ito ng international relations ng Pilipinas.

Paglilinaw naman ng kalihim na ang hihinging pondo ng OP ay isasama sa national expenditure program na isususmite para sa panukalang 2026 national budget.

Facebook Comments