Opal Tower sa Australia, nakitaan ng bitak; Mga residente, pinalikas!

Sydney, Australia – Hindi pa ring pinapayagang makabalik ang mga nakatira sa Opal Tower sa Sydney, Australia.

Ito ay matapos makitaan ng bitak ang 38-palapag na gusali.

Sa abiso ng pamunuan ng gusali, magsasagawa sila ng relocation bilang bahagi ng kanilang precautionary measure.


Sa ngayon, puspusan na ang pagsasaayos ng mga engineers sa nakitang bitak.

Patuloy din ang imbestigasyon at inaasahang matatapos ito sa loob ng 10 araw.

Aabot sa 3,000 residente ang pinalikas.

Facebook Comments