Nilinaw ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. na ang pagbuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa government negotiating panel ay bibigyang daan ang pagbuo ng isang inclusive panel na mangangasiwa ng localized peace engagements.
Ayon kay Galvez, ang bagong panel ay ibabase sa Colombia na may kinatawan mula sa iba’t-ibang sectoral groups, Local Government Units o LGUs at military.
Ipinag-utos din ng Pangulong Duterte na rebyuhin ang mga dating kasunduan ng gobyerno sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Nabatid na ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDFP, na kumakatawan sa Communist Party of the Philippines (CPP) at armed wing nito na New People’s Amry (NPA) ay naging atras-abante na mula noong 1986.
Facebook Comments