OPAPP, umapela na huwag magpakalat ng tsismis kaugnay ng Jolo Cathedral bombing

Mariing kinondena ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ang kambal na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu na kumitil sa buhay ng dalawampung katao.

Sa isang kalatas, sinabi ni Galvez na hindi magpapasindak ang gobyerno sa mga gustong idiskaril ang paghahatid ng pangmagatalang kapayapaan sa Mindanao.

Umapela ang Presidential Peace adviser sa publiko na huwag nang magkalat ng maling impormasyon sa social media upang hindi na makadagdag pa sa kalituhan.


Ayon pa kay Galvez, sa halip na magpakalat ng ispekulasyon, mas makabubuti kung hayaan na muna ang otoridad na makapag-imbestiga at matukoy ang mga salarin.

Nanawagan ang OPAPP sa publiko na maging mapagbantay at sama-samang pigilan ang paghahasik ng karahasan kasunod ng resulta ng plebisito na nagraratipika sa Bangsamoro Organic law (BOL).

Facebook Comments