Pinapurihan ni Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr., ang paglagda ng ceasefire agreement sa pagitan ng militar at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Sec. Galvez, ang pagkakasundo ng magkabilang panig ay patunay lamang ng pagnanais ng gobyerno, MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities at Ad Hoc Joint Action Group na wakasan ang armadong pakikibaka.
Kasunod nito, umaasa si Galvez na hindi na mauulit pang muli ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng MILF upang hindi mabalewala ang lahat ng natamo ng Bangsamoro peace process.
Ang paglagda sa ceasefire agreement kahapon ay pinangasiwaan ng Government of the Philippines, MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities, Ad Hoc Joint Action Group at ang Non-Violent Peace Force.
Matatandaang sa nasabing sagupaan, 15 sundalo ang sugatan, 3 ang nasawi habang pinaniniwalaang may nasawi rin mula sa panig ng mga rebelde.